LEAP-OFWs: Sa Wakas, Mismong mga OFW na ang Puwedeng Maging Iskolar Para sa Kolehiyo
Sa unang pagkakataon, hindi na lang mga anak ng OFW ang tinututukan ng scholarship ng OWWA. Sa ilalim ng bagong LEAP-OFWs program kasama ang CHED, mismong mga OFW na ngayon ang puwedeng makatanggap ng tulong pinansyal para makapagtapos ng kolehiyo sa pamamagitan ng ETEEAP.









